PABATID SA PUBLIKO: Paalaala sa Pagbibigay ng Personal na Impormasyon Kaugnay ng Kampanya sa Halalan

Pinaaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko na mag-ingat sa pagbibigay ng kanilang personal na impormasyon, tulad ng pangalan at tirahan, kaugnay ng mga aktibidad sa kampanya ngayong halalan.

Ayon sa Data Privacy Act of 2012, ang pagproseso ng personal na datos ay dapat may legal na batayan at malinaw na layunin.

Bilang data subject, may karapatan kang:

  • Magtanong kung bakit kinokolekta ang iyong impormasyon;
  • Tumanggi kung hindi malinaw o tila sapilitan ang pagkuha nito;
  • Magsumbong kung sa tingin mo ay naabuso ang paggamit ng iyong datos.

Protektahan ang iyong privacy. Huwag basta-basta magbigay ng impormasyon, lalo na kung hindi malinaw kung para saan ito.

Kung naniniwala kang naabuso ang iyong personal na impormasyon, maari kang magsampa ng reklamo sa aming opisyal na website: www.privacy.gov.ph o mag-email sa [email protected].

Ang NPC ay nakikiisa sa pagpapalaganap ng isang malinis, patas, at makataong halalan, kung saan ang karapatan ng bawat Pilipino sa data privacy ay iginagalang at pinangangalagaan.

###